Thursday, August 2, 2012

Solo flight

Nais ko sanang maglakad ng may kasabay, ng may kausap, may kabiruan.
Tulad ng ibang naglalakad na mayroon pang kaagapay at kahawak-kamay.
Ngunit sa gabing ito
Tila kailangan kong maglakad ng magisa.
Tahakin ang daang madilim, mabato, at mahaba.
Ngunit kahit magisa, hindi ako nangangamba.
Nasanay na ata ako magsolo.
Habang buhay na nga ba to?

No comments:

Post a Comment