Wednesday, July 25, 2012

Is(k)indip


Hindi pa rin ako marunong
Magmakeup.
Yan ata ang isa sa mga bagay na
Tulad mo, hindi ko matututunan.
I'm sorry pinago pa kita noon
Kakahanap lang ng eye shadow
Na hindi ko rin naman ginamit.
Sana bumili na lang tayo
Nang mga namimiss mong pagkain
Kung anumang makapagpapasaya sayo
Mas pinagtuunan ko pa sana ng pansin.
Hindi ko kelangan maging magaling
Sa pagapply ng makeup.
Nung buhay ka pa'y hindi ka rin naman palagamit nito.
Hindi ako nagsisisi o nanghihinayang
Na wala na kong inang magtuturo pa saken nito.
Sapat na sakin ang mga natutunan ko sayo.
Higit sa lahat, natutunan kong mahalin una ang sarili ko.

No comments:

Post a Comment